May 9, 2007

Multong Bakla

Scenario: May isang payat na bading na print producer na madalas umikot sa floor ng creatives para magpapirma ng mga print ad for release. Kahit bading siya at madalas umikot sa floor, halos wala kang marinig sa kanya. Parang wala siya doon. Isang araw di nakatiis si Raul.

Dumaan ang bading na print producer sa may area ni Raul. Tiningnan mabuti ni Raul ang print producer. Nilapitan. At biglang tinapik sa balikat...



Raul: Ay! Totoo ka pala! Akala ko isa kang multong bakla.

28 comments:

Anonymous said...

????

anonylicious said...

r u sure bakla?
haven't met somebody like that...all the baklas i know pag dumaan, alive na alive and feel ang presence kahit di magsalita...
hmmm...protege material ba?
raul, project-kin mo...

Anonymous said...

hello all adpeeps,
you are all invited to join the forum discussions at http://adpeepsph.30.forumer.com/

Thanks

Anonymous said...

Hahaha, nandoon ako n'ung nakwento ni Mama itoh. Actually na sa may receiveing area ang bakla. Matagal-tagal na yata siyang nakatayo doon nang lumabas si Raul at nakita siya. Since nakatayo lang siya doon, tahimik at tulala. Medyo kinabahan si Raul. So dahan-dahan niyang nilapitan ito. Tapos pinindot ang braso. "Ay totoo ka pala! Akala ko multo ka!!" Sino Hinahanap mo? Matagal ka na bang nakatayo d'yan?

Sumagot ang bakla - -"Opo, hinihintay ko lang po si____."

Sumagot si mama Raul - "Naku iho, magsabi ka kasi sa guard na andito ka! Guard, alam mo bang kanina pa siya nandito? O, sa susunod ha, pag may hinihintay ka dito ka maghintay sa may reception para di ka nakatayo dito sa labas parang multo kasi NATATAKOT AKO!!!

Sabay walk away.

Taray!!

Anonymous said...

corny nyo

Anonymous said...

di lang corny po kundi boring pa

Anonymous said...

may kabababawan pala kaligayahan ng mga taga-mccann.

no wonder it shows in your ads.

Anonymous said...

clio '07 pinoy winners


GOLD clio (print)
y&r soroptimist "bullets" "warships" "cross"

bronze clio (billboard)
o&m pond's "pore"

bronze clio (poster)
jwt greenpeace "trees"


http://www.clioawards.com

get more info at

http://adpeepsph.30.forumer.com/

and discuss the ad scene as well

Anonymous said...

bilis....away na...away na...

mccannnites, mccaneers, mccannians, mcckoys...
defend yourselves...
bwahahaha....
para naman bumalik ang sigla ng blog na 'to!

pero in fairness, nung araw (nung araw!), magagaling ang mga taga-mccann...kailangan lang ng inspirasyon kaya nga nandun si Raul :) sobra! sipsip talaga!

Anonymous said...

+1 kay usi

-1 kay sipsip

boring na itong blog kaya hindi na ako makikpag away. tama si usi - nakita niyo na ba ang bagong coke? LOL

Anonymous said...

hoy urbang umalis ka nga dito. nasunog na mga tao noong cafe creatives, sawa na kami sa mga diskusyon. stop promoting your frigging forum site.

dun ka sa ads of the world maghasik ng lagim.

Anonymous said...

di ako taga-mccann, pero aychink panahon na para kumomento ako ng seryoso (as in totoong seryoso) at minsan lang ako magcocomment ng ganito, tapos balik kababawan na. taking life seriously is so not me!

may batas bang nagbabawal maging corny, mababaw at boring? and kaninong standards naman daw ang gagamitin natin sa pagdecide kung ano ang corny at boring? kay raul? kay david? kay merlee? o dun kaya sa gumawa ng PCSO "walang kupas"?

let's f*ckin face it--this is is just advertising. this is just work. walang pinagkaiba sa pagiging tubero, karpintero o security guard. kung secure ka sa lugar ng trabaho mo sa buhay mo, walang dapat i-comment if you're taking it seriously or not.

ngayon kung buong buhay mo ginugol mo sa advertising to the point na wala kang identity kung walang advertising (and maraming taong ganito sa advertising--pinagtatakpan ang insecurities sa buhay by doing EXTREMELY well sa work)--sige na nga i will understand; my bad.

at sa mga superseryoso ang tingin sa advertising at kinukomentuhan pa ang mga recent works na di swak sa taste nila. alam nyo ba ang nangyayari sa buong industriya? alm nyo ba ang nangyayari sa business side ng advertising? o masyad kayong nakakulong sa creative ivory tower nyo? channels 2 and 7 and even radio stations are encroaching on our turf and taking away our kids' tuition, family's grocery and greenbelt dinners. sige, ipangsagot nyo yang lions, pencil at spike nyo tuwing hihirit ang client ng "eh bakit ang channel 7 wlang ASF, nalalakihan pa ang logo, may artista pa, same prod house din, at we get our business' worth?"

kung may nakaka-alam kung may pawnshop na tunatanggap ng lion, pencil at spike, just in case magkaroon ng retrenchment sa mga ahensya, now is the best time to speak up.

im sure may co-comment, so how can kababawan help the industry? ewan, kung ang 4as nga walang sagot, hanapan nyo ba ko? pero one thing's 4 sure, utang na loob ayokong mamatay sa gutom for a 30-second pseudo-art; ayokong mamatay na walang pagkukwentuhan ang mga tao sa lamay kundi trabaho at ayokong mamatay nang nakasimangot--and yes kababawan helps me achieve my personal objective.

kayo anong objective nyo sa buhay? anong lugar ng advertising sa pag-achieve nyo ng objective nyo?

yun lang.
mas maraming importanteng bagay na dapat pag-isipan: may pre-nup kaya si rofa at ylmaz? ano kaya feeling ni kris na natabunan ang feature sa kanya sa the buzz? agree ka bang ikulong si paris hilton?

Anonymous said...

Very well said Manila Aunor.
Natawa naman ako kay disruptor at usisera. Boring? Mababaw? Pero dinadalaw at binabasa niyo ang blog na ito...haaaaay, moving on. Dumadami ang mga....hwag na lang. Since i can't say anything nice and constructive 'di bale na lang.

Magiging mababaw ang boring na lang ako. Parang may kaasiman kasi ang pagiging profound and all-knowing.

Anonymous said...

isn't it time you took it to an open forum?

http://adpeepsph.30.forumer.com/

---your daily spam

Anonymous said...

manila aunor,
so sinansabi mo na gawin ang sinasabi ng client. IMHO po ang client kailangan makita ang value ng agency. kasi ano ang kina iba niya sa ABS at GMA kung wala naman special sa paggamit ng agency. Creativity kaya ang sagot? ask lang po ng isang nag kakayod din sa ahensiya.

Anonymous said...

^^LOL anony is right. you need to give yourself some sort of value in the client's eyes. if you just do what you are told then all they really need is someone who can execute what they want.

Anonymous said...

2nd anony after me

sabi ko first and last seryoso post ko yun, kaso may na-misunderstand ka yata at mukhang namiss out mo yung mas malaking poin ng post ko; so i have to clarify, pero i have to keep true na last seryoso post ko na yun so indulge me in trying to mix the two, keri?

wizelles ko naman post na gawin lang nang gawin ang say ng client. para naman akong prosti nun; eh sa totoo lang parang mas bet ko yata makangkang kesa sa mabaril. and for some clients willing pa ako magbigay ng discount at frequent flyer miles kung kangkangan din lang naman.

ang sabi ko rin hindi ko alam ang sagot, uulitin ko, kung ang 4as nga at creative guild eh wa ispluk sa kontrobersyang ito (they're just good friends yata) ako pa kaya? creativity ba ang sagot? why not? babaan kaya natin ang ASF? keri din. tsumugi kaya ng utaw? wiz ko bet, di pa tapos ng narsing si jun-jun. ang alam ko, kaht ano ang sagot dapat effective dahil kung ako sa brand manager na cliyente: kebs ko sa award, eh leeg ko naman ang nakataya pag di ako kumota sa benta.

ang buong point ko lang naman is dont knock kababawan or anything for that matter off especially in creative discussions, wag myopic. ang idea ko of being creative, kayang paghugutan ng idea ang lahat ng diskusyon no matter how serious or inane. at the very least, keep an open mind about it. sumagot ka muna ng "why not?" bago "why?" malay mo, ma-typan mo,; at kung hindi naman keri pa rin; eh di mas varied ang experience mo.

wiz ko bet makipag-argue tungkol sa creativity kasi kanya-kanyang litanya yan. For sure, may mga ads na super award natin pero surely ikamamatay natin pag inilabas sa saudi. kayo willig ba kayo mamatay for an ad? ako, ayoko.

advertising lang ito. trabaho lang ito. seryosohin natin pero bilang means to an end.
ayokong ang eulogy sa libing ko eh litany of commercials ive done. list of boys ive done keri pa; haba ng hair ko pag nagkataon (hindi sa minamadali ko)

J,A.P.A.N.
manila aunor

Anonymous said...

Eto lang naman ang sa akin -

If you thought you were an artist, what the #@!!?!%#@!!! are you doing in advertising?

Commercial art, mga inday. Read: kailangan bebenta at makakabenta.

Kaya naman ako, dahil ayaw mag-compromise e bumitaw na.

Pero nakakaaliw magbasa ng mga angst ng mga taga-industriya.

Nakakaloka kayong lahat!

Mabuhay ang blog na ito dahil natutuwa ako sa mga soundbites ni RC na hanggang ngayon ay talaga namang loka-loka pa rin.

Anonymous said...

naku, nalingat lang ako nang sandali, nagaway na lahat ng kiddielets dito.

thank you ang miron for your comment na "on brief." like i said before, kung gusto niyo ng sabong about the industry, go put up your own blog about it. enough of this sawsawan drama in si raul, oh! oh! oh!

dahil sa mga anonymoys na maasim, mapakla, manamis-namis, and maanta, na-realise ko na hindi lang tite ang matigas. amen!

Anonymous said...

LOL nababasa ng web madla ang comments ni MJ, ang miron and co. Looks like may napipikon. have you unwittingly resurrected cafe creatives with your venom-filled reactions? Looks like you are further fanning the flames my dears.

BTW, Manila, eh kung trabaho lang ito sa 'yo at least we now know what the quality of work you come out will be. So sad to see the passion lost. Hope your agency doesn't see thru you.

Anonymous said...

agree ako sa'yo art-based dude, what really separates the great from the mediocre eh yang "trabaho lang" mentality.

yung kung mag-isip eh "trabaho lang ito," is just there for the money or kung ano pang mababaw na dahilan.

yun namang my passion, ang tingin sa kanilang work, "craft." may kasamang pagmamahal kumbaga.

at di lang yan sa advertising, manila aunor and company. sa kahit anong gawain pa.

ano ba karaniwan na nating naririnig sa mga successful people kapag sila'y tinatanong kung paano nila narating ang kanilang narating?

iisa sinasabi--dapat mahal mo ang ginagawa mo.

ke artist ka o negosyante ka o athlete ka pa, iba ang trabaho ng "trabaho lang" ang turing sa ginagawa nila kesa doon sa may pagmamahal sa ginagawa nila.

at kung tatanungin ako, ano nga ba ang "success" aba eh basta maligaya ka sa kinatatayuan mo at sa ginagawa mo--if work seems like play to you. meron nga diyan operator ng heavy machinery but they think they have the best job in the world eh. wala naman kung malaki kita mo o hindi eh.

kung trabaho na lang tingin mo sa pag-aahensiya medyo may tinge of unfullfillment dun. medyo wala ng fire. kung mero man, it's flickering and you're on the brink of burning out.

Anonymous said...

+1 ^^^

and add a million more. sad to see that the ones promoting RC seem to want to keep it "happy happy" when all that signals is no desire to see how things can be made better. to push the envelope further. could that be why the big agencies are losing out to tv station ads? because sadly cookie cutter ads na ang lumalabas? nothing to differentiate? what a waste of huge media budgets.

Anonymous said...

tumpak, tumpak sa dalawang huling anonys (anonyses?)...

magaling, magaling, magaling.

eto naman kasi si manila aunor, ine-equate ang pagmamahal sa trabaho sa pagkakaroon ng buhay o having a life, ika nga.

hindi porke't seryoso ka at may passion ka sa trabaho eh wala ka ng buhay sa labas nito.

on the contrary, yung mga may passion sa ginagawa nila eh mas passionate pa sa ibang bagay outside their job.

example na lang itong si michael jordan noon. ang dream naman talaga ng mamang yan eh maging baseball player. hindi lang siya magaling masyado doon kaya napilitan magbasketball.

pero hindi niya inisip na trabaho lang ang basketball. minahal din niya ito kahit pa sa puso niya, baseball player siya.

ano nga naman ang use ng pag-gawa ng kahit ano kung di mo rin lang ibubuhos ang puso mo don?

eh di nagsasayang ka lang ng oras at pagod.

sabi mo nga means to an end ang paga-ahensiya o kahit ano pang trabaho. pero paano mo makakamit ang gusto mong end kung di mo naman paglalaanan ng damdamin ang means na iyon?

kung trabaho lang ang mentalidad mo, trabaho talaga ang lalabas na produkto. hindi pinagbuhusan ng effort. kumbaga, just to get by.

sabi nga di ba mas masarap ang putahe na niluto ng mahal talaga ang pagluluto kesa dun sa nagluluto para lang may maipan-tawid gutom.

Anonymous said...

Okay naman ang blog site na ito.

Parang confused lang. Hindi ko alam, is this to mock Raul or praise him.

Sabi nga ni Raul, first be clear then be clever.

Funny. This site is not even half-clever.

Anonymous said...

Hindi niyo kilala si Raul. Raul is a great mentor and fantastic friend.

You are portraying Raul as a self-centered, insensitive person.

Ano man ang isulat niyo, ang masasabi ko lang (sinabi niya ito minsan atat uulitin ko."I don't give a flying fuck!"

Anonymous said...

Hello. And Bye.

Anonymous said...

Completely I share your opinion. In it something is also to me this idea is pleasant, I completely with you agree.

Anonymous said...

I apologise, but, in my opinion, you are not right. I am assured. I can prove it. Write to me in PM.