Tarantining ang mga creatives sa 35th floor. Kalagitnaan kasi ng isang malaking pitch. As usual, punong-abala ang papel ni Raul. Di niya napansin ang naglalakad na accounts person sa tapat ng kanyang opisina. Dali-daling lumabas si raul ng kuwarto at sabay bulyaw sa mga creatives (in his usual booming, raspy voice):
“LET’S GO!”
“LET’S GO!”
Nagulat ang accounts person. Wari’y nabingi.
“Aray ko, nagulat naman ako sa iyo, Raul!”, wika ng accounts person na tulad ni Raul, ay may kagaspangan din ang boses.
Say ni Raul:
“Nagulat ka kasi akala mo, ‘sino ba itong nangga-gaya sa boses ko?”
14 comments:
Salamat sa paglahatla ng aking kuwento.
Sadyang nakakatawa ang pangyayaring iyan. Katunayan ay mamatay-matay ako sa kakatawa nang marinig ko ang kuwento.
In fairness ay aminado naman silang pareho na iisa ang timbre ng kanilang boses : )
Nakakatawa nga ito. At parang madaling hulaan kung sino yung taga accounts na yan.
Sana dumami pa ang mga nagsha-share ng kanilang mga kuwento!
tila controlado ang huling sinulat mo. halata na apektado ka sa pakiusap ni raul at ng chairman na itigil ang mga ito.ang huli mong entry ay makaka-interes sa mga taga-McCann lamang. nakausap ko si raul. Ang sabi ko naman sa kaniya'y wala namang mga naisusulat na di dapat isulat. Kaya't sana'y ituloy mo ang dati mong gawain. :)
aba aba aba, may lahing blind item columnist ang entry na itetch.
sana may raul sightings din ano? winner din kasi ang mga outfits ng lola niyo. ilabas ang mga camphones na yan!
Oo, maaari ba na ilabas ang paparazzi photos of Raul? Pero alam niyo, kahit magarbo at tila mamamahalin ang pananamit ni Raul, isa siyang napaka-henerosong tao. Minsan, mga ten 15 years ago ay naisama niya ako sa kaniyang pamimili ng damit. At ang pinamili niya ay di ang kaniyang sarili pero ang kaniyang pamilya. :) Kung sa damit damit lang ay malayo naman ang pananamit niya kay Boy
Abunda ng The Buzz.
May pakiusap si raul na itigil ang paglathala ng blog na ito?
Ngayon ko lamang narinig iyan. Pero tama si anonymous, kung wala namang ikukuwentong maaaring makasira ng tao, ahensiya o trabaho, wala naman sigurong masama kung ituloy ito.
Sang-ayon din ako sa paglalabas ng mga larawan ng makukulay na kasuotan ni Raul. Iyon nga lang ay wag niyo na akong asahan diyan dahil bulok ang cellphone ko. Tinatawaran na nga sa Eloy's.
Anonymous, nakaka-intriga naman ang katauhan mo. 15 years na kayong magkakilala ni raul? Ang tagal na pala ng pinagsamahan ninyo. Lubha ngang mas kilala mo siya kaysa sa aming ngayon lamang siya naka-daupang palad.
Muli, mabuhay kayo!
Narinig ko na weekend reading na daw ni lola ang kanyang blog. Malay niyo, nag-comment na siya dito na di lang natin alam. Hahahaha.
Can I just say that is sooooo not how it happened?!!!! My gush! You're going to make kwento eh it's so mali pa ano :-P
It's like this (I should know kasi I was sitting somewhere around there anoh):
Thundering delivery of "DO YOU HAVE 500 PESOS?" ang say ni D'Legend Raul sa isang art director.
Fast cut to isang ancient looking girl na parang slight nagulat with matching say "Nagulat naman ako sa yo Raul."
Parang wala sa DNA ni ancient looking girl para sabihin ang "ARAY KO" except while having some epidermal felicity with another featherless biped in desperate congress. ;-) The rest of the account is somewhat accurate. Oh why did I say account? Di taga accounts yung kaboses ni Raul hah!
mali ang header ng topic - the original is the best.
eh paano kung may new and improved version?
diba ang maganda sa ebolusyon ay na ang pagbabago? eh kung hahayaan natin ma-kuntento sa orig eh di talaga tayo susulong.
mas tama kung - nothing beats the original.
Um, Inspired po ng Colette's Buko Pie ang headline ng entry na ito. :)
bale kinopya mo ang buko pie. parang secasona ba yan? nakakatawa talaga ito. yan ba ang tinuturo sa inyo dyan?
ang pagamit ng maling line of thinking at pag kopya ng mga linya sa iba?
ay, sister anonymous. sarap sana mag-comment sa comment mo, pero wag na lang. para kang pumatol sa junior AE na nagmamarunong. tarush!
MJ eh ba t di ka mag comment? dba "comments" ang tawag dito? Sabi na nga ba bawal mag post pag di agree sa mga sinasabi niyo. bakit naman ganyan? ba t pa nagka comments section dito? Eh di website na lang sana to?
darling, ang blog ay isang uri ng website. :-)
Post a Comment