Scene: A agency gathering where Raul is explaining some new policies
Raul: So the blah blah for the blah blah and this means blah blah...
That meeting will push through except for force majeure. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng force majeure, basta maganda siyang pakinggan!
So ngayon (looks to audience) halibawang nagunaw bigla ang buong Makati except ang GT Tower...tuloy ba ang meeting?
A slight pause from the audience. Then they collectively answer like zombies...
Audience: Oo.
Raul (flabbergasted but quickly regaining his composure) Mga gaga! (loud laughter from audience) Alam ko na kung ano problema natin. Bwahahahaha!
March 28, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
Mabuhay kayo!
Ako'y lubhang nagagalak at naisipan ninyo ang pakana na ito. Wika nga ng isang pamosong patalastas ng Neozep, "Magaling! Magaling!"
Ang katotohanan niyan ay nina-nais kong ilathala ang tunay na blog id ko sa pagbibigay ng saloobin pero sa nakikita ko, wari'y lahat ng nag-i-iwan ng komento dito ay nagkukubli sa ngalang "anonymous". Lahat maliban kay Socky. Nauunawaan ko naman na ayaw ninyong mayurakan ang inyong dangal at mapatalsik sa inyong trabaho.
Kung kaya't kung mamarapatin ninyo, mayroon akong isang munting suhestiyon.
Bakit hindi kayo gumamit ng alyas na imposible namang mahulaan ng kahit na sino? Nang sa gayon eh mas makulay at mas mabibigyan ng karakter ang bawat komento. Masusundan pati ng mga taga-subaybay kung kanino nanggaling ang bawat saloobing ilalathala.
Halimbawa, kung ikaw ay kilala bilang isang vegetarian, pwede mong gamitin ang pangalang "Mila", "Lapid" o "Ping-Ping". Kung ikaw naman ay kalbo, pwede mong gamitin ang pet name na "Afro", "Curly" o "Dreadlocks". Kung rakista ka eh pwede kang magtago sa alyas na "P. Diddy", "Beyonce" o "Tupac". Kung kilala ka bilang maasim, ba't di ka gumamit ng "Honey" o "Sugar?" Kung ikaw ay isang macho at matipuno, sino ang mag-a-akala na ikaw si "Chorva", "Chenelyn" o "Chever?" Kung isa kang 'kaka girl', gumamit ng pangalang jologs gaya ng "Katsitsas", "Burnik" o "Kuyukot". Kung bansot, nandiyan ang "Jordan", "Yao Ming" at "Jabbar".
At kaya sa, at kaya pasulong (so on and so forth)...
Gaya ko, hindi naman ako tunay na isang makata. Sa katunayan ay gumagamit din naman ako ng "Germie-germie" (handwash) pag marumi ang kamay ko at ayoko naman yatang maglaslas ng pulso para lang sa kapatiran gaya ng mga katipunero. Masakit iyon.
Ngunit, subalit, datapwa't, ito naman ay isang panukala lamang. Nasa sa inyo na kung susundin niyo o ipupukol sa bintana (throw it out of the window).
Iyon lamang. Hanggang sa muli, ang inyong ka-opisina,
Macariong Makata (sa ingles, "Happy Poet" - tignan niyo pa sa baby names dictionary)
Siyangapala, papaano ba mag-post dito? Kanino maaaring kunin ang password?
Oo nga pala, walang sabihan ng tunay na pangalan.
Email niyo na lang dito:
macariomakata@yahoo.com
Iyon naman ay kung mamalabisin ninyo lamang.
Marami din naman akong mai-si-share na mga pahayag ni Raul.
Salamat.
taob ako sa comment na yan, pero pwes, eto ang comment koh sa post na itetch. likas pala ang pagka-lemming ng taga McCann. may i die to your death para lang paunlakan ang mga meeting. kaloka talaga.
maaring ipadala ang iyong mga kuwento sa sirauloh@yahoo.com.p.
Walang sabihan ng pangalan, walang sisihan!
yahoo.com.ph pala
Nakakaloka!!!
Bwahahahahaha!!!
Meeting kung meeting!!!
O ayan Macario, may pangalan na aketch!
Salamat sa mga nagpaunlak.
Hindi ba't kay gandang pakinggan na tinatawag natin ang isa't isa sa pangalan kahit na ito'y gawa-gawa lamang?
Kaysa naman tratuhin natin ang isa't isa na kapwa estranghero. Magkaka-kapitbahay naman tayo.
Tunay ngang malupit ang dedikasyon ng mga mccannites. Guguho na ang mundo ay sabit pa rin ang nasa isipan.
Hihiwalayan na ng asawa ay nagsusulat pa rin ng kopya.
Itinatakwil na ng mga anak ay nakangiti pa rin sa harap ng kliyente.
Kamartiran mang isipin ng iba, sa dulo ng araw (at the end of the day) ay trabaho lang naman, 'di ba?
Malupet.
ang tawag dyan, dedikayshun!
waaahhh...
ganyan ang ahensya ko, meeting kung meeting! pero masaya ako at nakita ko itong blog na ito.
idol ko kasi si mother? lola? goddess? (ah leche! fill in the blanks na lang) __________ raul.
May ipinadala akong kuwento.
Pakisuri naman kung angkop sa panlasa niyo.
Salamat
when's your next entry? been waiting.
daming work lang! may mga post na parating.
Oh Master Raul, andito lang pala kayo nagpunta at nakikipag-meeting sa GT tower kahit gumuho na ang buong makati! Natakot kami ni Sam na baka tinataguan niyo na kaming mga makukulit at nangangailangang magpa-consult. Nice Blog! Enjoying here.
Nakakaaliw! Nakakabaliw!
Thanks for writing this.
hello bros. I'm actually into shoes and I had been searching for that singular make. The prices as regards the boots were around 320 dollars everwhere. But completely I found this site selling them for half price. I in reality love these [url=http://www.shoesempire.com]prada sneakers[/url]. I will probably order them. what can you tell me about these?
Hello. And Bye.
good afternoon dudes. I'm really into shoes and I was looking for that meticulous model. The prices as regards the boots are approximately 330 dollars on every site. But finally I base this location selling them someone is concerned half price. I in reality love those [url=http://www.shoesempire.com]gucci sneakers[/url]. I will definetly buy these. what is your opinion?
hi friends. I'm honestly into shoes and I had been searching for the sake of that exact brand. The prices as regards the shoes were all over 320 pounds everwhere. But finally I found this area selling them someone is concerned half price. I in reality love these [url=http://www.shoesempire.com]gucci sneakers[/url]. I will absolutely order these. what can you say about it?
Post a Comment